Zamboanga Sibugay
Ang Zamboanga Sibugay, na natagpuan sa Zamboanga Peninsula, ay itinuturing na ika-4 na bunsong lalawigan sa Pilipinas. Ang isa ay hindi makaligtaan ang pagpasa sa batang lalawigan na ito kung magtungo mula sa dulo hanggang sa dulo ng Western Mindanao. Ang lalawigan ay inukit mula sa ikatlong kongreso ng distrito ng Zamboanga del Sur matapos ang isang plebisito noong 2001. Labing-anim na taon na ang lumipas at ang Zamboanga Sibugay ay patuloy na umuunlad sa kapayapaan at pag-unlad.
Alam Mo Ba?
Ang Sibug-Sibug Festival sa Ipil, Zamboanga Sibugay ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 26, may makukulay at masasayang sayawan sa kalye, may mga ritwal na nagpapakita ng magandang ani, kasal at paggaling na mula sa mga ritwal. Isinasagawa din nito upang ipagmalaki ang kanilang sikat naprodukto: ang talaba na kilala bilang pinakamalaki at pinakamalaman na talaba sa Pilipinas​.
Materyal na Kultura
Ang “Biyatawi” ng mga Tausug na kababaihan. Isa itong blusa na may desinyong mahigpit sa katawan na kumikinang sa baywang. May malalim itong neckline na magandang pinaparesan ng mga palawit. Uso sa mga biyatawi ang gintong butones. Kalimitang makikita ang mga ito kapag may mga mahahalagang mga okasyon ng mga Muslim.
Isa pang kasuotan sa ulo ang tinatawag na “Kopiya”, na kung saan ay katulad ng “songkok” na ginagamit sa Indonesia at Malaysia. Espesyal na uri naman ng kasuotan sa ulo ang tinatawag na “Kadi” na may kulay puti at sinusuot lamang ng mga lalaking nakapunta na sa Mecca.
Di- Materyal na Kultura
Folkways
Nais ng mga Tausug na sila ay lagging magkakasama. Pinapahalagahan nila ang pagtitipon-tipon lalo na’t kung may okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at kung may namatay.
Tuwing ika-pitong buwan ng pagubuntis ng babae ay nagkakaroon ng selebrasyon para makasiguro na ligtas ang panganganak nito.
Isa pang pagdiriwang nila ay nagaganap sa tuwing nakokompleto nila ang mga aral sa Koran.
Mores
Para sa mga Tausug ang pamumuno ay mahalaga, tinatawag nilang ‘Sultanate’. Siya ang may kapangyarihan at namumuno sa mga nasasakupan nitong lugar.
Sila ay dalawang uri ng ng ‘Kinship’ o samahan, ito ay ang Usba at Waris. Mayroon silang paraan upang mapatibay ang samahan at pagkakaibigan at ito ay tinatawag nilang pagsapa.
Valyu
Ang pagtutulungan sa pamilya ay mahalaga para sa mga Yakan, sa murang edad sila ay nagtratrabaho na sila upang makatulong sa kanilang mga magulang.
Ang pag-aaral ng mga kabataan ay kinakailangan lamang na sila ay marunong bumasa ng Koran at magsulat. Sa kasalukyan, maraming magulang na ang nagpupursiging pag-aralin ang kanilang mga anak.
Mga Paniniwala
Paniniwala kapag may sakit
Naniniwala ang mga Yakan na magagamot ang sakit kapag nagdasal ang imam. Kung minsan ay naglalagay sila ng halamang gamot. Ang tinatawag nilang ‘bahasa’ ang tatawag sa mga espiritu upang sila ay tulungan.
Paniniwala kapag namatayan
Ang burol ay dapat maisagawa sa loob ng isang araw ng pagkamatay. Babasahin ng imam ang mga dasal na maguturo sa namatay ng mga tamang salita sa pagpunta nito sa huling hantungan.
Bawal magpaganda ang asawang babae kapag namatay ang asawa nito.