top of page

Zamboanga Del Norte

Ang zamboanga del norte ay may dalasiyudad, dalawampu't apat na munisipalidad na hinati sa limang daan at walumpu't pitong barangay (587).

dipolog and kabisera ng probinsya. ito ay may kabuuang sukat na

humigit-kulang sa 607,519 ektarya o 6,075. 19 kilometrong parisukat.

ZANORTE_Provincial_Capitol.jpg

Alam mo ba?

Ang Zamboanga Del Norte and pinakamalaking probinsya sa Zamboanga Peninsula na binubuo ng 7,301.00 kilometro kuwadrado

Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.May ibat ibang pangkat ng Muslim gaya ng Tausog,Subanon,Yakan at Samal na naninirahan sa Basilan.Maraming mga Sebuano ang naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa sa mga diyalektong sinasalita.

Mahilig sila sa mga musika at mga sayaw sa saliw ng mga gong.Makukulay ang mga kasuotan. May iba’t ibang wika tulad ng Badjao, Cebuano, Tausug, Samal at Chavacano at Subanen.

MATERYAL NA KULTURA

VINTA

Ang vinta na kilala rin sa  mga  tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Karaniwan itong ginagawa ng mga Bajau  at mga Moro tulad ng mga Tausug. Makukulay ang mga  banderitas nito na  sumisimbolo sa makulay at mayamang kulura at kasaysayan dito.

PANGINGISDA

Ang Zamboanga Del Norte ay kilala sa pangingisda, hanapbuhay din ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at pangongolekta ng itlog nito, pati na rin ang mga panghuhuli ng tamban na ginagawang sardinas na kialang kilala sa Dipolog.

AGRIKULTURA

Ito rin ay kilala sa pagsasaka sa palay, mais, niyog , at rubber pati na rin sa paghahayupan kilala rin ang rehiyon bilang Angkatan ng mga kahoy.

UJBsaOf.jpg

di-MATERYAL NA KULTURA

wedding and dedication 057_edited.jpg

FOLKWAYS

- Ang kasal sa mga Badjao sa Zamboanga Del Norte ay tumatagal ng tatlong araw na may sayawan, kainan, at pagsasaya na buong bayan ay kasama.

- Ang pagtutuli ay hindi lamang para sa mga lalaki kundi pati na rin sa mga babae

- Ang Panday, babae o lalaking nag- gagamot, ay tinatawag para sap ag-papaanak , para sa pagtutuli sa mga babae.

- Ang tradisyonal na pagkain ng mga Badjao ay panggi at isda. Ang kanin ay inihahain lamang sa hapag bilang panghimagas o ‘di kaya ay tuwing mayroong espesyal na okasyon. Walang almusal, tanghalian, merienda, at gabihan sa mga Badjao. Kumakain sila kung kailan nila gusto at kung kailan sila may pagkain.

MORES

Sa mga muslim sa Zamboanga Del Norte

-  Ipinagbabawal ang alak at lahat ng mga gamut na nakalalasing at nakalalango.

-  Ang pagsusuot ng seda, ginto at pilak ay para sa mga kababaihan  lamang, ipinahihintulot sa mga lalaki ang pagsuot ng singsing, sinturon, at paglagay ng palamuti sasandta.

- Mayroon pa rin silang isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-aanak ay sabay-sabay na maliligo sa dagat.Ang tawagdito ay Tulak Bala.

tolak-bala_edited.jpg
67460187_1268902896609447_89779574981871
indegenous-039-225x300_edited.jpg

VALYU

- Ang mga Subanen sa Zamboanga Del Norte ay kailangan na ang kanilang kasuotan ay kadalasang may kulay itim, pula at puti.

- Marami rin silang kanta na ginawa at pinahahalagahan tulad Ginarang, Gatagan, at Sirdel o sumumigaling, sinasabayan nila ito ng kulintang ( gongs, kutapi, atbp.)

- Mayroon din silang sayaw para sa mga giyera at ritwal na kanilang isinasagawa gamit ang  taltal tuwing pagtitipon.

PANINIWALA

- Una, naniniwala ang mga Badjao na ang pagkilala sa kanilang panginoon at pagkakaroon ng karunungan ay ang pinakamabisang daan sa pagkakaroon ng magandang buhay sa hinarap. Sa kanilang pagpapahalaga sa kanilangbpanginoong Mohammed, binibigyan nila ng karangalan ang mga salip (pinagmulan ng panginoon) nito;

- Pangalawa, bawat simbahan sa kanilang lugar ay dapat na mayroong mosque official. Hindi dapat na mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal, Bilal, ang tumatawag at nagpapasimula ng pagdarasal, at Hatib, ang nagsasagawa ng pagbasa tuwing araw ng biyernes;

- Pangatlo, naniniwala sila na ang kanilang pinagmulan ay mga dugong bughaw kung kaya’t ang kanilang mga kasuotan ay makukulay;

49408060_762394660827763_694537242444772
bottom of page